-- Advertisements --

Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon ang Bayanihan to Recover as One Act tkung saan nakapaloob ang COVID-19 relief package na P165 billion.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya kaugnay sa nilalaman ng Bayanihan 2 na iniendorso ni Pangulong Duterte noong Hulyo.

Ayon kay Sec. Roque, posibleng sa loob ng unang dalawang linggo ng Setyembre lalagadaan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas.

Ang nasabing panukalang batas ay inaprubahan ng Kongreso noong nakaraang buwan.

“The President will sign the bill into law] as soon as possible. I don’t think the first two weeks of September will pass without the bill being signed,”ani Sec. Roque.