-- Advertisements --

Malaking dagdag umano sa puwersa ng iba’t-ibang sektor ang ayudang nasa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, maliban sa pagtutok ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19, aalalay din aniya ang bagong lagdang batas sa mga negosyante at mga manggagawang naapektuhan ng pandemic.

“The signing into law of Bayanihan 2 will ensure that the government’s response to the health crisis that our country is going through will continue without interruption. This will provide much needed support to our health sector, which is at the frontline in this battle against COVID-19. It will assist sectors that have fallen on their knees due to the lack of economic activity,” wika ni Angara.

Binigyang diin naman ni Senate committee on health and demography chairman Sen. Christopher “Bong” Go, na kasabay ng pagtugon sa suliraning dala ng COVID-19, dapat ding suriin ang mga polisiya para mai-angkop ang mga hakbang sa pagsasa-ayos ng suliranin.

“I want to reiterate that we must learn from this experience. More than ever, the need to invest in healthcare is highlighted. We have to be pro-active and there is a need to revisit our policies and recalibrate our priorities in this new normal,” pahayag ni Go.

Habang sa panig ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, sinabi nitong dapat paigtingin pa ang paglikom ng pondong ilalaan sa ayuda at iba pang proyekto laban sa pagkalat ng sakit.

Kaya hamon nito sa mga ahensya ng gobyerno na may tungkuling mangulekta ng buwis, na magdoble-kayod para maabot ang target collection.

“Sa ngayon, sa gitna ng pandemya, kinakailangan ng gobyerno na makakuha ng karagdagang pondo para sa paglaban natin sa COVID-19 at gayundin sa pagbangon ng ating ekonomiya. ‘Yung nawawala sa atin sa koleksiyon ay malaking tulong sana sa ating mga kababayan lalo na sa panahong ito,” sabi pa ng senadora.

Maging ang mga mambabatas mula sa lower House ay ikinagalak din ang pagkakalagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Bayanihan 2.

Bilang urgent measure, agad nang maipapatupad ang Bayanihan 2 at hindi na maghihintay pa ng kalahating buwan para sa publication.