-- Advertisements --

Mabilis na nakapasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2 sa panig ng Senado.

Sa naging botohan, 22 ang pumabor, habang mag-isa lang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na hindi sumang-ayon sa panukalang batas.

Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, agarang tugon ang kailangan para sa malaking problemang dala ng COVID pandemic, kaya mabilis nilang isinakatuparan ang isa sa mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing ang naturang hakbang ay bahagi ng pagtugon ng pamahalaan upang matiyak na maaalalayan ang kabuhayan ng maraming Filipino, kasama na ang maliliit na negosyo at proyekto ng pamahalaan.

“With Bayanihan 2, the government would be assured of sufficient funding for the ramped up testing for COVID-19 and for contact tracing. It will also ensure that our valiant health workers who contract or succumb to the disease will continuously receive financial support,” wika ni Angara.

Nasa P140 billion ang nakalaang pondo rito na maingat umanong ibabahagi sa mga ahensya ng pamahalaang kumikilos para sa mga tinamaan ng pandemic.