OFW ship stranded COVID Sarangani GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Isinailalim sa isang araw na total lockdown ang Maasim, Sarangani, matapos makalabas ng isolation facility ang COVID-19 positive.

Kinumpirma ni Maasim Mayor Cyrex Pacquiao na kagabi ay nagpalabas ng executive order ukol sa lockdown ngayong araw para sa contact tracing sa 23 indibidwal na unang nakasalamuha ng 26-anyos na OFW.

Pumasok umano ang mga tao sa kinaroroonan ng OFW matapos nalaman na dumating ito sa lugar kahit pa alam naman na positibo ito sa COVID-19.

Inamin din ng local government unit ang impormasyon na nakalabas umano ng isloation facility ang COVID-19 positive at sumakay ng motor papunta sa fiesta.

Nabatid na kahit mga tagalabas noon ay maaaring makadaan papunta sa General Santos gayundin sa Kiamba at Maitum, Sarangani province.