battle of the band cebu Sinulog 2020

CEBU CITY – Napuno ng musika ang naganap na “Battle of the Bands” sa isinagawang Handog Pasasalamat ng Bombo Radyo at Star FM sa Sinulog 2020 kagabi sa Plaza Sugbu, Cebu City.

Naging kampeon ang bandang Tribu Taguro dahil sa mala-tribal nilang performance at nag-uwi sila ng P15,000 na cash.

Nanalo rin bilang second prize ang bandang Landscape PH at naging third prize winner ang bandang Fish Tempo.

Bukod sa nakakaaliw na performances ng 12 local bands mula sa Cebu, marami rin ang natuwa matapos nilang makuha ang libreng t-shirt mula sa Bombo Radyo.

Nasorpresa rin ang ilan sa mga audience members makaraang mapanalunan nila ang ilang espesyal na premyo mula sa Bombo Radyo at sa mga partners nito.

Pinasalamatan ng Cebuano singer-composer na si Jose LG Fuentes ang mga kababayan nito sa pamamagitan ng kanyang pagkanta ng komposisyong “LDR” na naging 2nd runner up sa Bombo Music Festival 2020.

Dahil dito lalong nasiyahan at nag-enjoy ang mga nanood dahil sa labanan ng mga banda bilang alay na rin sa kapistahan ni Señor Sto. Niño.

cebu concert battle of the band sinulog