-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang lalawigan ng Batangas at malaking parte ng Metro Manila.
Naramdaman ito kaninang alas-10:19 ng umaga at may lalim na 103 kilometro.
Ang epicenter ay nasa layong apat na kilometro sa timog kanluran ng Calatagan, Batangas.
Dahil sa lakas ng pagyanig, posible umano ang aftershocks at pinsala na maaari nitong idulot.
Sa Makati, Manila at Quezon City, naglabasan sa matataas na gusali ang ilang empleyado bilang pag-iingat.
May mga nagsuot pa ng safety cap o helmet habang lumilikas.
Nagpadala naman ang NDRRMC ng mga abiso o alerto hinggil sa nasabing malakas na lindol.