-- Advertisements --
Hindi pinalusot ng Rain or Shine Elasto Painters ang Terrafirma Dyip 106-91 sa nagpapatuloy na PBA Season 50 Philippine Cup.
Nahabol pa ng Dyip ang 17-points na kalamangan ng Painters 20-2 run at nakuha pa ang kalamangan 75-72 sa Third Quarter.
Hanggang maitabla ni Santi Santillan ang score sa kaniyang three points at patuloy ang pag-arangkada sa last quarter.
Pinuri ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao ang naging three points shots ni Santillan.
Nagtala ng 26 points, limang rebounds si Santillan habang mayroong 12 points si Keith Datu para sa Rain or Shine.
Nasayang naman ang nagawang 25 points ni Jerrick Ahanmisi at 20 points ni Paolo Hernandez para sa Dyip.
 
		 
			 
        















