-- Advertisements --
Patuloy ang pamamayagpag ng Magnolia HotShots Timplados matapos na malusutan ang Phoenix 83-80 sa paghaharap nila sa PBA Season 50 Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng Magnolia si Jerom Lastimosa na nagtala ng 14 points, pitong rebounds at isang steal sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Tinangka pa ng Phoenix na humabol sa last quarter subalit hindi na hinayaan ng Magnolia na makalusot pa sila.
Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Magnolia katapat ang NLEX, TNT at Rain or Shine sa standing.
 
		 
			 
        















