Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Naalarma si Mrs. Soledad Duelos sa Brgy. 2 Garreta, Badoc, Ilocos Norte matapos makita na ang mga biniling candy at lollipop ng kanyang anak ay nabalot ng supot ng condom.

Paliwanag sa Bombo Radyo ni Mrs. Duelos na may mga nakain na ang kanyang anak nung makita niya ito.

Naniniwala si Mrs. Duelos na ito ang dahilan kung bakit nagsusuka ang kanyang anak dahil marami umano ang nakain ng bata.

Ayon sa kanya, nalaman nila sa nagtinda ng candy na ang mga itinitinda niyang candy at lollipop ay binili niya sa lungsod ng Vigan.

Dagdag niya na inireport na nila ito sa Municipal Health Office at hinihintay pa lang nila ang kanilang pagsusuri sa nasabing produkto.