-- Advertisements --
Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang isang cargo vessel na may kargang mga refined sugars sa Subic, Zambales.
Ang MV Bangpakaew ng galing sa Thailand ay may kargang 7,000 metric tons o 140,000 bags ng asukal.
Sinabi ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ang mga import documents na iprinesenta sa kanila ng barko ay mga “recycled.”
Dahil dito ay pansamantalang naka-impound ang nasabing cargo vessel habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BOC.
Magugunitang dinoble ng gobyerno ang paglaban sa mga iligal na pag-aangkat ng mga produktong agrikultura gaya ng mga asukal.