-- Advertisements --
Kinumpirma ng France na nagtala ng kauna-unahang kaso ng Ebola.
Ayon sa French health ministry, na galing umano ito sa isang indibidwal na umuwi matapos ang humanitarian mission sa Democratic Republic of Congo.
Agad nilang dinala sa specialized facility ang indibidwal na nagpositibo sa Ebola.
Ito ang unang kaso ng Ebola na nakumpirma sa Europa kahit na mayroong American doctor ang nagpositibo sa DR Congo at ginamot sa pagamutan sa Germany.
Magugunitang inanunisyo ng DR Congo ang Ebola outbreak noong nakaraang buwan.
Nasa mahigit 260 katao na ang kumpirmadong nasawi mula sa virus sa Congo habang mayroong mahigit 1,000 katao ang nadapuan ng virus.















