Inihayag ng Department of Justice na kanilang sinisilip ang iba pang posibleng anggulo sa likod ng insidente ng pamamaril sa Tacloban City nitong ika-22 ng Hulyo.
Sa panayam, ibinahagi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na tinitingnan nila ngayon ang ‘violent extrimism’ na maaring nagtulak para mangyari ang pamamaril.
Naniniwala kasi ang kagawaran na hindi lamang ito basta simpleng kaso o insidente ng ‘bullying’ kung kaya’t sinisilip ng ahensiya maging ang iba pang mga anggulo.
Giit ng tagapagsalita na maaring magturo ito sa mas malawak na dahilan o ‘pattern’ katulad ng naunang nabanggit na ‘nihillistic violent extrimism’.
Paliwanag pa ng tagapagsalita na layon ng kagawaran na hindi maipagsawalang bahala ang insidente at matuon ang atensyon na ito’y ikunsidera bilang isang kaso lamang ng ‘bullying’.
Maari raw kasing maraming pang ibang nangyari sapagkat ayon kay Justice Spokesperson Martinez na posibleng nakaapekto rito ang napapanood online ng mga bata.
Kaya nama’y nais ng Department of Justice masuring maigi ang mga anggulo sa likod ng pangyayari.
Sa naganap na pamamaril, tatlong estudyante ang nasawi habang 20 naman ang naitalang sugatan.
Bgama’t ang mga suspek ay wala pa sa hustong gulang o menor de edad pa lamang, binigyang diin ng kagawaran ng hindi sila awtomatikong lusot mula sa pananagutan ng batas.
















