NAGA CITY – Kinumpirma mismo ni Leslie De Lima na tinanggihan nito ang alok mula sa iba’t ibang malalaking paaralan sa National Capital Region (NCR).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay De Lima, sinabi nitong bata pa siya kung kaya hindi muna niya tinanggap ang alok na scholarships mula sa iba’t ibang malalaking paaralan sa ibang lugar.

Sa panig naman ni Head Coach Efren Bono, bagama’t tinanggihan ni Leslie ang naturang mga offer ngunit aminado itong hindi niya maiwasang mangamba na baka makuha ng ibang rehiyon ang naturang atleta.

Una na ring tiniyak ni Department of Education (DepEd)-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na aalagaan nilang mabuti ang magagaling na manlalaro mula sa Bicol dahil inaasahan na aniya nila na ilang mga rehiyon ang susubukang kunin ang mga ito para makasama na sa kanilang deligasyon sa mga susunod na sporting event.