CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang Barangay Chairman habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na si Alcon Tubasan,44 anyos, Punong Barangay ng Brgy Tumbras Midsayap North Cotabato.

Sugatan naman sina Samanudin Bacar Inok,Brgy Tanod at asawa ni Kapitan na si Armia Bacar Tubasan,39.

Ayon sa ulat ng pulisya,papalabas ang mga biktima sa Otso Kainan sa Brgy Poblacion 8 Midsayap Cotabato at katatapos lamang kumain kung saan pasakay na sila sa motorsiklo nang bigla itong lapitan ng apat na hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa apat na motorsiklo.

Patay on the spot si Kapitan Tubasan na tinamaan sa ulo,habang nasa masilang kondisyon ang brgy tanod at ligtas na si Armia Tubasan na nagtamo nang tama ng bala sa kanyang paa.

Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.