KORONADAL CITY – Nagdodoble-ingat na ngayon ang lahat sa Dubai matapos ang balitang may isang katao na ang nasawi dahil sa coronavirus.
Ito ang iniulat ni Bombo international correspondent Ilyn Villadolid.
Ayon kay Villadolid, limitado at mas hinigpitan pa ang pagbibiyahe ng mga sasakyan.
Kailangan din umanong nakasuot ng face mask lalo na sa mga pampublikong dahil nakatutok rin ang mga opisyales ng gobyerno sa naturang isyu.
Dagdag ni Villadolid, posible umanong nakapagtala ang siyudad ng kaso ng coronavirus matapos na isang Pinay nurse umano ang nahawaan mula sa kaniyang inaalagaang pasyente na positibo sa naturang sakit.
Napansin din umano na paraang biglaan lang ang paglabas ng naturang impormasyon dahil maaari umano itong makasisira sa imahe ng kanilang bansa.
Nilinaw na rin ng DOLE na ang pagkamatay ng OFW ay hindi dahil sa nCoV.