-- Advertisements --

Kampante ang Banko Sentral ng Pilipinas na maaabot nila ang target na 70% ng mga adult Filipinos ang magkakaroon ng mga bank account bago matapos ang taong ksalukuyan.

Nitong 2021 kasi ay 56% lamang ng mga Filipino adults ang mayroong bank account sa buong bansa, habang noong 2017 ay umabot lamang ito sa 23%.

Ayon kay Banko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona Jr., ang kampanya nila para rito ay hindi lamang ang mataas na bilang ng mga mayroong bank accont kungdi ang pagkakaroon din ng sapat na oportunidad para sa bawat Filipino adults na makapag-ipon sa kanilang mga account.

Sa ilalim ng nasabing kampanya, sinabi ni Remolona na isusulong nila sa mga may bank accounts ang digital economy.

Aniya, sa kasalukuyan ay 42% ng mga retail payments sa buong bansa ay sa pamamagitan lamang ng digital form.

Kung maabot umano ang 70% ngayong taon ay tiyak na aangat na ito ng hanggang sa 50%

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ang Banko Sentral ng Pilipinas ng lisensya sa hanggang 258 digital payment providers sa buong bansa.