Bumaba ng 7.75% ang mga naiulat na insidente ng krimen ng Philippine National Police (PNP) simula yan ng Agsoto ng nakaraang taon hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Sa bahagi ng naging paunang pahayag ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III sa naging pagdiriwang ng 124th Police Service Anniversary sa Camp Crame, inihayag niya na batay sa datos ay mayroong kabuuang 177,235 na naitalag mga insidente ang PNP kumpara sa 196,677 na krimen noong taong 2024.
Ani Torre, ito ay patunay lamang ng kanilang epektibong pagpapatupad at pagkakasa ng mga anti-criminality operations at mas pagppalakas din ng police visibility sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Maliban dito ay nakasaad din sa datos ang 153,609 na mga ikinasang operasyon ng PNP sa ilalim ng kanilang kampaniya kontra iligal na droga mula ntaong 2022 hanggang 2025 na siya namang nagresulta sa pagkakaaresto ng higit sa 190,568 na mga personalidad.
Kaugnay pa rin sa kanilang operasyon, hindi bababa sa P54.6 bilyong halaga ng mga ipinagbabawalnna gamot naman ang nasamsam ng Pambansang Pulisya sa kanilang mga ikinasang anti-drug operations.
Samantala, nanindigan naman si Torre na patuloy nilang pagbubutihin ang kanilang presensiya at maginga ng kanilang ginagamit na mga estratihiya sa mga operasyon upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng istilo ng mga lumalaganap na krimen sa bansa.