Reading Time: 1 minute
VG Siddhartha
VG Siddhartha

Natagpuan na ang bangkay ng may-ari ng pinakamalaking coffee chain sa India.

Nakita ang katawan ni VG Siddhartha malapit sa ilog sa Mangalore city.

Mula pa noong Lunes ay hindi na nakita pa ang biktima.

Nagsagawa agad ng emergency meeting ang kaniyang kumpanya mula noong ito ay hindi pa nakikita.

Ang 59-anyos ay siyang nasa likod ng matagumpay at pinakamalaking coffee company na Cafe Coffee Day.