(Update) BACOLOD CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay sa pagpatay sa isang pitong taong gulang na batang babae na natagpuan sa basurahan sa Victorias City, Negros Occidental kagabi.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Bacolod, isinilid sa sako ang bangkay ng 7-anyos bago ito itinapon sa basurahan sa tabi ng daan sa Zone 1 Villamiranda, Brgy. 6-A, Victorias City.

Ang biktima ay nakatira sa bahay ng kanyang lola at sinasabing inutusan umano ito ng kanilang kapitbahay na bumili ng sigarilyo kahapon nang tanghali ngunit hindi na nakabalik hanggang kagabi.

Pinaghahanap ng lola ang kanyang apo hanggang sa ito ay natagpuan ng kanyang mga kamag-anak sa loob ng sako sa basurahan sa bakanteng lote sa tabi ng daan.

Nakatakdang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima dahil walang nakitang sugat sa katawan nito.

Pinaghahanap din ngayon ang kapitbahay ng biktima na siyang nag-utos sa bata na bumili ng sigarilyo dahil nawawala ito sa kanilang lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here