cyprus murder 2
Corpse of a 6-year old Filipino victim on a series of murder in Cyprus found in Xyliatos Lake.

Narekober na ng mga otoridad sa Cyprus ang ika-pito at huling biktima mula sa karumal-dumal na pagpatay sa pitong biktima ng 35-anyos na Greek Cypriot army officer.

Ayon sa mga otoridad, nasa state of decomposition na ang bangkay na kinilalang si Sierra Graze, anim na taong gulang na Filipina, nang matagpuan nila ito sa malalim na bahagi ng Xyliatos Lake.

Nakabalot umano ang bangkay ng bata sa isang carpet na nakatali sa bloke ng semento.

Kasama rin sa pinatay ng suspek ang Pilipinang ina ng bata na si Mary Rose Tiburcio isang OFW sa Cyprus.

May 5, 2018 nang i-report sa mga kapulisan ang biglang pagkawala ng mag-ina.

Kamakailan lamang nang sibakin sa pwesto ang police chief at justice minister ng naturang bansa dahil sa bigong pagbibigay ng mga ito ng updates sa biglaang pagkawala ng mga biktima.

Una nang narekober ang bangkay ng anim na biktima kabilang na ang mga katawan na isinilid sa tatlong suitcase na natagpuan naman sa Red Lake.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here