KORONADAL CITY – Nakalagay ngayon sa half mast ang watawat sa Esperanza PNP kasunod ng nangyaring pamamaril na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ng kasama nito habang nagbabantay sa quarantine checkpoint sa Prk. Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, iginiit ng tanggapan sa pamumuno ni PMaj. Garyflor Marfil na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang pumatay kay PEMSgt. Arnold Paclibar at ikinasugat ni PSSgt. Chato Maycong sa kaliwang kamay sa naturang insidente.

Samantala, ayon naman kay Yolanda Maycong, kapatid ni Chato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, na nais niyang managot ang mga suspek na gumawa nito sa kaniyang nakakabatang kapatid.

Nabatid na isang nurse dati si Maycong bago tuluyang pumasok sa PNP.