Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY- Nagpakamatay ang isang balot vendor matapos itong iwan ng kanyang asawa na susamama naman sa kalaguyo nito dito sa lungsod.

Kinilala ni Cagayan de Oro City Police Office Spokesman Maj. Ivan Vinas ang biktima na si Jupiter Depende, 36-anyos, may dalawang anak at residente ng Sitio Dumahon, Brgy. Lumbia, Cagayan de Oro.

Madaling araw na nang makita ng kanyang mga kasamahan sa bahay ang biktima na nakabitay sa loob ng kuwarto at wala ng buhay.

Ayon kay Maj. Vinas, tali ng manok ang ginamit ng biktima sa pagkitil ng kanyang sariling buhay.

Naniniwala ang pulisiya at mga kapitbahay ng biktima na hindi nito nakayanan ang pait sa pag-iwan sa kanya ng asawa kung kayat nagpatiwakal ito.