actor alec baldwin
Hollywood actor Alec Baldwin
-- Advertisements --

Nagsalita na ang Hollywood actor na si Alec Baldwin sa aksidenteng pamamaril sa set ng bagong pelikula niya.

Sinabi nito na wala siyang masasabi sa pagkabigla at kalungkutan sa pangyayari na ikinasawi ni Halya Hutchins na siyang tumatayong director of photography.

Tiniyak nito na nakikipagtulungan an siya sa imbestigasyon na isinasagawa ng mga kapulisan.

Magugunitang bukod kay Hutchins na nasawi ay nasagutan naman sa insidente ang film director na si Joel Souza.

Nagbunsod ang insidente nang gumamit ng prop na baril ang actor sa ginagawang pelikula na “Rust”.

-- Advertisement --

Nabigla na lamang ang lahat nang pumutok ito at nakitang may laman pa lang bala.