-- Advertisements --

Nagpasaklolo na ang Senado sa National Bureau of Investigation (NBI) para mahanap ang mga resource person na hindi ma-contact.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, para naman ito sa kaligtasan ng Pharmally official na si Krizle Grace Mago.

“We’ve reached the NBI. We’ve asked the NBI to take a look. So far wala pa kaming balita,” wika ni Gordon.

Ang director naman ng kompaniya na si Linconn Ong ay hindi na umano magbibigay pa ng testimonya.

Pero giit ni Gordon, kahit hindi na magbigay pa ng salaysay ang mga ito, sapat pa rin ang kanilang mga hawak na dokumento para idiin ang mga nasa Pharmally at ilang taga gobyerno ukol sa bilyong halaga ng deal.

Kung tutuusin nga raw ay aabot pa ang usapin hanggang kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Itutuloy ang Senate inquiry sa darating na araw ng Huwebes.