Zamboanga map

ZAMBOANGA CITY – Binulabog ng isang pagsabog kaninang madaling araw bandang alas-4:45 ng umaga ang Barangay Canelar Moret partikular sa Bienvenido Drive sa harap mismo ng gate ng bahay ni Untal Mayor Asri Taib ng munisipalidad ng Pangutaran sa probinsiya ng Sulu.

Sa impormasyon na nakalap ng Star FM Zamboanga, wala sa mismong bahay ang nasabing alkalde kung saan nasa apat na buwan pa lang ito na nakatira sa nasabing lugar.

Agad namang rumisponde ang mga otoridad sa nasabing lugar upang magsagawa ng imbestigasyon.

Walang naitalang sugatan sa insidente habang patuloy pang inaalam ang motibo sa nasabing pagsabog at kung ano ang ginamit na pangpasabog.