ROXAS CITY – Partially damaged ang bahay ng isang guro sa Locsin Village, Barangay Pantalan, President Roxas, Capiz matapos masunog.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Marybeth Villanueva, isang public school teacher.

Batay sa salaysay ng kapatid ng guro na walang tao sa nasabing bahay ng mangyari ang insedente, dahil nasa paaralan si Villanueva para sa opening day ng Brigada Eskwela 2019.

Posible aniya na galing sa 1st floor ng bahay galing ang apoy habang kumalat ito sa itaas ng bahay.

Napag-alaman na gawa sa konkretong materyales ang two storey house ni Villanueva.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng President Roxas fire station para malaman ang pinagmulan ng sunog.