Kitty Honeylet Avanceña

Ipinauubaya na umano ni Cielito “Honeylet” Avanceña sa Panginoon ang paghingi ng tawad ni alyas Bikoy.

Ito ang maikling tugon ni Avanceña kaugnay sa apela ni Bikoy na sana ay patawarin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya sa nagawa niyang pagkakamali.

Sinabi ni Avanceña, ipinasasa-Diyos na lamang niya ang paghingi ng tawad ni Bikoy.

Kanina sa kanyang paglutang ay hiniling ni bikoy na sana ay mabigyan siya kahit konteng sandali ni Pangulong Duterte at pamilya nito para siya makahingi ng sorry.

Magugunitang idinawit ni sa Bikoy sa usapin ng iligal na droga ang bunsong anak ng pangulo na si Veronica o Kitty.

Samantala, binalewala lamang ng Malacañang ang mga isiniwalat ni Advincula kung saan direktang itinuro si Sen. Sonny Trillanes at iba pang taga-oposisyon na siya umano ang nasa likod ng Bicoy video at Operation Sodoma.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, mistulang ang mga mismong nasa likod ng kontrobersyal na video ang nag-aaway-away na.

Ayon kay Sec. Andanar nagkokontrahan na sa salita ng mga idinadawit na personalidad gaya nila Bikoy, Trillanes at Liberal Party (LP).

Dahil daw sa mga developments, naging mas kaabang-abang ang drama kaya papunta na raw siya sa grocery para bibili ng popcorn.

“The turn of events have made this drama more interesting. Now its Bikoy’s words vs Sen. Trillanes and the Liberal Party’s. I’m going to the grocery to buy popcorn,” ani Sec. Andanar.