-- Advertisements --

Naglabas ng flood alert ang Pagasa sa ilang bahagi ng Mimaropa o Mindoro Oriental at Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan, pati na sa Zamboanga Peninsula.

Ayon sa Pagasa, bunsod ito ng umiiral na low pressure area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ).

Maliban sa mga ito, inalerto rin ng weather bureau ang mga nasa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas, Bangsamoro, SOCCSKSARGEN, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, La Union, Pangasinan at Camarines Norte dahil sa mga posibleng pag-ulan.

Huling namataan ang LPA sa layong 90 km sa silangan timog silangan ng Romblon, Romblon.

Nakapaloob pa rin ito sa ITCZ kaya asahan ang tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Maliit naman ang tyansa nitong maging bagong bagyo.