-- Advertisements --

Nagsimula ng tumaas ang presyo ng mga palay sa anim na pangunahing rice-producing regions sa bansa.

Ayon sa National Food Authority (NFA) tumaas ng 0.3 hangang 2.6 percent ang pagtaas ng presyo sa mga rehiyon ng Bicol, Central Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Ang nasabing bilang ay ilang araw matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagsuspendi ng rice importation.

Ang average na presyo ng palay ay mula sa P16.98 kada kilo sa Central Luzon at P20.59 naman kada kilo sa Southern Mindanao.

Habang walang pagbabago sa P16.52 kada kilo sa Southern Tagalog at P17.60 per kilo naman sa Western Visayas.

Bumaba naman ang presyo ng palay sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Magugunitang simula sa Setyembre ay ipapatupad ang 60-day import ban sa mga imported na bigas para maprotektahan ang mga magsasaka.