Nalampasan ng water level ng Marikina River ang antas ng tubig sa ilog nang manalasa ang Typhoon Ondoy noong 2009, dahil sa magdamag na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Ulysses.
#AbisoMarikenyo Marikina River water level is 21.8 meters as of 9:04 a.m.
Posted by Marikina PIO on Wednesday, November 11, 2020
Batay sa online post ng Marikina City Public Information Office, umabot na sa 21.8-meters ang water level ng ilog, as of 9:04am.
Tiniyak naman ni Mayor Marcelino Teodoro na nakatutok siya sa sitwasyon ng mga residente.
Makikita sa hiwalay na post ng Marikina PIO ang paglusong sa baha ng alkalde habang bitbit ang radyo na nagsisilbi nitong komunikasyon sa mga kapwa opisyal at rescuers ng lungsod.
Nilusong na ni Mayor Marcy Teodoro ang baha upang makalabas sa kanyang tahanan at muling makapag-ikot sa…
Posted by Marikina PIO on Wednesday, November 11, 2020
“Lubog man sa baha, bitbit pa rin ni Mayor Marcy ang kanyang radyo na nagsisilbi niyang komunikasyon upang makapagbigay tagubilin sa mga opisyales at kawani ng cityhall na nagsasagawa na ng rescue operation para ilikas ang mga na-trap na residente,” ayon sa post.
Sa isang panayam inamin ni Teodoro na nabigla ang kanilang hanay sa lakas at dami ng tubig ulan na ibinuhos ng bagyo.
Nanawagan ang alkalde sa Philippine Red Cross at iba pang rescue units dahil kulang daw ang kanilang mga rescue boats at personnel para sa mga stranded na residente.