Patuloy ang pagkilos ng bagyong Ramil papalabas ng bansa.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kumikilos ng West NorthWestward palabas ng kalupaan ng Pilipinas.
Nakita ang sentro ng bagyo sa may 175 kilometers ng West Northwest ng Iba, Zambales.
Mayroong taglay na lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 80 kph.
Nakataas ang Signal number 1 sa mga lugar ng : Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna;Lucena City, Pagbilao, Infanta, Tiaong, Unisan, Plaridel, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Mauban, Dolores, General Nakar, Perez, Agdangan, Atimonan, Real sa Quezon kabilang ang Polillo Islands; Abra de Ilog, Sablayan, Mamburao, Santa Cruz, Paluan sa Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands; Socorro, Naujan, Puerto Galera, Victoria, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Pola sa Oriental Mindoro.
Inaasahan na makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ramil sa umaga ng Lunes, Oktubre 20.
Maaring lumakas ang bagyo habang nasa West Philippine Sea at maaring maging severe tropical storm category na magdudulot ng pag-ulan sa mga nabanggit ng lugar.