-- Advertisements --

Itinaas na ang storm signal number 1 sa ilang bahagi ng Luzon kasabay ng paglapit pa ng Bagyong Pepito sa kalupaan ng bansa.

Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) kaninang alas-11:00 ng umaga, isinailalim sa signal No. 1 ang silangang bahagi ng Isabela (Palanan, Dinapigue, bahagi ng San Mariano); gayundin ang hilagang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag).

Ang ika-16 bagyong tumama sa bansa ay huling namataan sa layong 475 kilometers sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour (kph) bawat oras. Taglay nito ang hangin sa bilis na 45 kph malapit sa gitna na may bugsong aabot sa 55 kph.

Samantala, aasahan ang mahina hanggang katam-tamang lakas ng pag-ulan sa probinsya ng Quezon, gayundin sa Bicol Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Caraga, Davao Oriental, Davao Occidental, Sultan Kudarat, South Cotabato, at Sarangani.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.