-- Advertisements --
Patuloy ang paglakas ng Bagyong “Opong” habang kumikilos ito pakanluran timog-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, tinatayang nasa layong 815 kilometro silangan ng Hilagang-Silangang Mindanao ang sentro ng bagyo, batay sa lahat ng nakalap na datos.
Kumikilos ito nang pakanluran timog-kanluran sa bilis na 15 km/h.
May taglay na hangin na umaabot sa 85 km/h malapit sa gitna.
May pagbugsong naman ito ng hangin na pumapalo hanggang 105 km/h.
Sa ngayon nakataas na ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar.
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Inaasahang mararamdaman ang hangin at ulan ng bagyo sa loob ng susunod 36 oras.
















