Lalo pang lumakas ang bagyong Neneng habang tinatahak ang direksiyong kanluran papalayo na sa Babuyan Islands sa extreme Northers Luzon.
Ang sentro ng bagyong Neneng ay nasa layong 115 km west northwest ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 100 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 125 km/h.
Tinatahak nito ang west-northwestward sa bilis na 25 kph.
Nakataas pa rin naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa dalawang lugar sa bansa kabilang na ang southern portion ng Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang) at Babuyan Islands.
Nakararanas ang mga lugar ng storm-force winds at aasahan ang ganitong sitwasyon sa susunod na 18 oras.
Ang Signal No. 2 ay nakataas naman sa nalalabing bahagi ng Batanes, Cagayan, Apayao, northern portion ng Abra partikular sa Tineg, Lacub, Lagayan at sa Ilocos Norte.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2 ay makararanas ng gale-force winds at aasahan ang parehong kondisyon sa loob ng 24 hours.
Samantala, ang Signal No. 1 ay nakataas sa central portions ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan), Kalinga, nalalabing bahagi ng Abra, Mountain Province, northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue), northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz)
Makararanas ang mga lugar dito ng malakas na hangin na asahang mararanasan sa loob ng 36 oras.