-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Pope Leo XIV para sa mga biktima nang matinding pagbaha sa Texas, sa gitna ng kanyang tradisyunal na lingguhang panalangin sa Vatican City.

Inihayag ng Santo Papa ang kanyang pakikiramay sa lahat ng pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, lalo na sa kanilang mga anak na babae na nasa summer camp. 

Samantala, nasa ikatlong araw na ang paghahanap sa mga nawawalang biktima nang matinding pagbaha sa Texas. 

Nagbabala ang mga lokal na opisyal na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi, habang patuloy ang mabilisang search and rescue operations para sa mga nawawala mula sa isang kampo malapit sa Guadalupe River.