Mabilis na lumakas at nasa typhoon category na ang tropical cyclone Nando.
Ang sentro ng Bagyong Nando ay tinatayang nasa layong 775 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora batay sa lahat ng available na datos.
Taglay nito ang pinakamalalakas na hangin na umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 150 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Pinag-iingat ang mga residente sa silangang bahagi ng Luzon sa posibleng epekto ng malalakas na ulan at hangin.
Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng bagyo upang agad na makapagbigay ng babala sa mga maaapektahang lugar.
Inaasahan ang pag-ulan at pagtaas ng alon sa mga baybayin sa mga susunod na oras.
Tinatayang papalo pa ito sa super typhoon category sa mga susunod na araw.