Patuloy ngayong tinatahak ng Tropical Depression MIRASOL ang kalupaan ng Norther Luzon at ito ay kasalukuyang nasa bisinidad ng Kalinga.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Tanudan, Kalinga.
Ito ay may lakas ng hangin na umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 km/h.
Kumikilos ito pa Northwestward sa bilis na 15 km/h.
Dahil dito ay nakataas pa rin ang TCWS No.1 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, the northern at central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, the northeastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Manuel, Sison, San Quintin, Tayug), at ang northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan).
Pinag-iingat ang lahat sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.