-- Advertisements --
Inaasahang hihina pa ang bagyong Maymay, bago ang inaantabayanang landfall sa probinsya ng Aurora.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 260 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos pa rin ito nang mabagal habang patimog kanluran.
Samantala, isa pang low pressure area (LPA) ang namataan sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 520 km sa kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.