-- Advertisements --

Patuloy na inaantabayanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagyong Luis na nasa karagatang sakop ng ating bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,055 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

May taglay itong lakas na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Samantala, nananatili naman bilang low pressure area (LPA) ang weather disturbance formation na namataan sa layong 405 km sa silangan hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 425 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Sa ngayon, posible pa umano itong lumakas ngunit maaari ring maapektuhan ng iba pang weather system na umiiral sa karagatan ng ating bansa.