-- Advertisements --

(UPDATE) Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kiko, na mayroong international name na Chanthu, ngayong hapon ng Linggo, Setyembre 12, 2021.

Ayon sa Pagasa, ala-1:10 ng hapon nang makalabas ang Bagyong Kiko sa PAR, pero nanantili namang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa probinsya ng Batanes.

Ang naturang bagyo ay mayroong maximum sustained winds na 175 km/h malapit sa sentro o gitna nito at may pagbugso na aabot naman sa 215 km/h.

Kumikilos ito sa north northeastward na direksyon sa bilis na 20 km/h.

Patuloy na mararamdaman ng Batanes ang pagbugso ng malakas na hangin dulot ng naturang bagyo, pati na rin ang matindi at paminsan-minsan na pag-ulan.

Ang Babuyan Islands naman ay makakaranas pa rin ng moderate hanggang sa matinding pag-ulan.

Dahil sa patuloy na palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at ang western section ng Central Luzon kabilang na ang Zambales at Bataan ay makakaranas ng moderate hanggang sa matinding pag-ulan.

Nagbabala naman ang Pag-asa sa posibleng mga pagbaha at paguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.

Inaasahan na mamayang hapon makakalabas ng Philippine Area of Responsibilit (PAR) ang Bagyong Kiko.