-- Advertisements --

Pinagkukomento ng Korte Suprema sina Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary at Disbarred Lawyer Lorenzo ‘Larry’ Gadon, Akbayan Party-list Percival ‘Percy’ Cendaña at Richard Heydarian hinggil sa petisyon inihain laban sa kanila kamakailan.

Sa isinagawang En Banc session ng Kataastaasang Hukuman ngayong ika-5 araw sa buwan ng Agosto, kanilang inilabas ang kautusan sa mga naturang ‘respondents’.

Kung saan inatasan ng Supreme Court ang mga ito na ibahagi ang kanilang panig kaugnay sa kinakaharap na ‘indirect contempt’ patungkol sa naging deklarasyon ng hukuman sa Impeachment.

Maaalalang inihain ito nina Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Kristopher Tolentino, at Atty. Rex Suplico sa tanggapan ng Korte Suprema upang idulog rito ang patungkol sa mga pahayag ng respondents.

Nag-ugat kasi ang naturang petisyon para ‘indirect contempt’ kasunod ng mga pahayag nina Sec. Gadon, Rep. Cendaña, at Heydarian na hindi angkop o nakapambabastos sa desisyon ng Hudikatura.

Kaya’t ang mga respondents ay binigyan ng hindi tatagal sa sampung (10) araw upang ibahai ang kanilang komento patungkol sa kinakaharap na ‘indirect contempt’.