-- Advertisements --

Lalo pa lumakas ang Bagyong “Karding” na ngayon ay isa ng Super Typhoon habang kumikilos pakanluran.

Batay sa huling pagtala ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay nasa 230 km Silangan ng Infanta, Quezon.

Ito ay kumikilos Pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

May taglay ito na lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro bawat oras at pagbugso na 230 kilometro bawat oras.

Ito ay maaaring lumakas pa bago tatama sa timog-kanlurag bahagi ng Aurora o hilagang bahagi ng Quezon mamayang hapon.

Sa ulat naman ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Council, ngayong araw hangang bukas asahan ang malalakas na pag-ulan at malakas na bugso ng hangin, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mabababang lugar at malapit sa mga kailugan.