-- Advertisements --

Pag-uusapan ngayong araw ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong protocol para sa mga locally standed individuals (LSIs).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatalakayin ng IATF ang posibilidad na maaari nang pauwiin ang mga ito sa kani-kanilang tahanan para doon na maghintay ng resulta ng PCR test imbes na sila ay i-quarantine ng receiving local government units (LGUs).

Batay sa mga naunang ipinairal na protocol, ang kailangan lang sa isang LSI ay makakuha ng health certificate at maaari ng makauwi sa kanilang tahanan pero may kapangyarihan din naman sa kabilang banda ang uuwiang LGU na i- quarantine ito at ipa-swab muna bago makabalik sa kanilang bahay.

Kasama sa mga LSIs ang mga dayuhan na mamamayan o Pilipino gaya ng mga construction at domestic workers, mga turista, mag-aaral at iba pang indibidwal na naipit sa iba’t ibang lokalidad habang nagbibiyahe at nagpahayag ng balak na bumalik sa lugar na kanilang tinitirhan o pinagmulan.