-- Advertisements --

Nangako si bagong Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan na mas bibigyang pansin ng kanilang tanggapan ang usaping kalusagan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) at ang pagbibigay din ng tamang edukasyon sa mga ito.

Sa isang pulong balitaan, tiniyak ng bagong administrator na pag-aaralan ng kanilang opisina kung paano mas palalawakin at mabibigyan ng tamang atensyon ang edukasyon partikular na ang pamamahagi ng scholarship hindi lamang para sa mga anak ng mgqa OFW’s ngunit maging sa mga OFW’s mismo.

Aniya, hindi dapat kalimutan ng pamahalaan na maliban sa kapakanan, tulong o repatriation, kailangan din ng mga OFW’s ng tulong pagdating sa edukasyon at kalusugan aalalo na kung mayroon itong mga anak, kamag-anak na nangangailang ng health services at mga anak na kailangan pag-aralin.

Ito kasi ang nakikitang dahilan kung bakit marami sa mga OFW’s ang nagiging biktima ng karahasan dahil sa pagkakaroon ng mga multiple jobs at nahuhulog sa mga patibong ng mga iligal na recruiters.

Samantala, maliban naman sa mga ito’y bibigyang pokus rin ni Caunan ang pagpapadali at pagpapabilis ng mga digital services ng kanilang tanggapan para sa mas maayos at mabilis na transaksiyon ng mga OFW’s at mabilis na koneksyon sa mga programang handog ng kanilang tanggapan.