Mahigit 100 Overseas Filipino Workers (OFW) sa Singapore ang lumahok sa event ng Department of Agriculture (DA) na “Usapang Agribiz: Forum on Agribusiness Opportunities in Philippine Livestock and Poultry” na ginanap sa AIA Alexandra noong Nobyembre 9, 2025.
Ang aktibidad ay bahagi ng Overseas Filipino Workers Reintegration Preparedness Fair na pinangunahan ng Department of Agriculture–Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS), katuwang ang Philippine Agriculture Office sa Bangkok, Migrant Workers Office (MWO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at suportado ng Philippine Embassy sa Singapore.
Layunin ng programa na hikayatin at sanayin ang mga OFW na mamuhunan sa agribusiness sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasanay, mentorship, at pag-access sa mga programang pinansyal ng pamahalaan.
Kaugnay nito, mahigit 110 OFW at mga lider ng komunidad ang dumalo sa forum kung saan tinalakay ang mga oportunidad sa livestock at poultry, mga programa ng pamahalaan, at karanasan ng mga kabataang agripreneur.
Samantala, ang Usapang Agribiz ay nagsisilbing mahalagang hakbang ng gobyerno sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga OFW sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa tungo sa isang mas produktibo at food-secure na Pilipinas.















