-- Advertisements --

Lalo pang bumaba ang bilang ng mga bagong nadagdag na nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas kumpara nitong nakalipas na mga araw.

Sa panibagong ulat ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 3,656 na karagdagang mga kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, ang mga dinapuan ng coronavirus mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,735,369.

Sa kabila nito ang mga aktibong mga kaso naman sa bansa ay umaabot pa rin sa 67,061.

Ang mga bagong gumaling mula sa virus ay umaabot sa 228.

-- Advertisement --

Mula noong nakaraang taon ang mga nakarekober sa bansa ay nasa kabuuang 2,627,331 na.

Meron din namang nadagdag na limang mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay umaabot na sa 40,977.

Habang mayroon lamang dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nilinaw naman ng DOH na ang mababang bilang ng mga recoveries ngayong araw at ang naitalang mga nasawi ay bunsod pa rin ng technical issues sa kanilang COVIDKaya.

Ang dagdag pang mga datos ay maisasama na lamang daw sa mga susunod na araw.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang ginagawang hakbang ng DICT upang maisaayos ang mga technical issues.

“20 duplicates were removed from the total case count. Of these, 16 are recoveries. In addition, 2 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. These 2 are recoveries. Moreover, 5 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng advisory ng DOH.