Catriona Gray with Power of Unity crown
Catriona Gray with Power of Unity crown/ Twitter Image of Catriona

Ipinakita na sa publiko ang korona na isusuot ng magwawagi ng 2019 Miss Universe.

Ang Power of Unity Crown ay ipinakita sa publiko ni Miss Universe president and CEO Paula Shugart at jeweler CEO Pascal Mouward.

Nagkakahalaga ito ng $5 million kung saan napalibutan ito ng 18-karat gold vines, ivy leaves na mayroong 1,770 diamonds.

Ang centerpiece nito ay 62.83 karat gold canary diamond na napaligiran ng dalawan maliit na diamond cut mula sa namina sa Botswana.

Kasama si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa nasabing pagpapakita ng bagong crown para sa magwawagi ngayong taon.

Magugunitang kinoronahan noon si Catriona Gray ng Mikimoto Crown na gawa ng sikat na Japanese company.

Gaganapin ang 2019 Miss Universe sa Georgia sa darating na Disyembre 9, 2019.