-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang tumamang malakas na lindol sa Bogo City, Cebu ngayong Lunes, Oktubre 13 ay aftershock ng magnitude 6.9 na lindol na tumama noong Setyembre 30, na kumitil na ng 75 katao.

Ayon kay Phivolcs Dir. Teresito Bacolcol, ang lakas ng naturang aftershock ay pasok sa kanilang inaasahang aftershock mula sa magnitude 6.0 event na nasa maximum na 5.9 o 5.8 kayat hindi na aniya ito nakakagulat pa.

Matatandaan, inisyal na iniulat ng Phivolcs na magnitude 6.0 ang tumamang panibagong lindol sa Bogo City, Cebu, subalit ibinaba ito kalaunan sa magnitude 5.8.

Naramdaman naman ang Intensity V sa Bogo City, Daanbantayan, Medellin, San Remegio, Tabogon at Tabuelan sa Cebu, Villaba sa Leyte at Escalante City sa Negros Occidental.