-- Advertisements --
Makalipas ang dalawang linggo, nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga nasawi sa tumamang malakas na magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30.
Bunsod nito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa kabuuang 79 ang mga nasawi mula sa mapaminsalang lindol.
Umaabot din sa 559 indibidwal ang naitalang nasugatan habang walang napaulat na nawawala.
Sa ngaayon, mayroong 5,000 katao ang nananatili sa 17 evacuation centers habang ang ilan naman ay nanunuluyan pa rin pansamantala sa ibang lugar.
Nananatili pa rin na nakasailalim sa state of calamity ang buong probinsiya ng Cebu dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng malakas na lindol.
















