-- Advertisements --
Maghahatid ng ulan sa malaking parte ng Eastern Visayas at Southern Luzon ang namataang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng ating bansa.
Natukoy ang sentro nito sa layong 25 km sa hilaga ng Catarman, Northern Samar.
Sa kasalukuyan ay maliit pa ang posibilidad nitong maging bagong bagyo.
Habang sa extreme Northern Luzon ay hanging amihan naman ang nagdadala ng ulan, kasabay ng malamig na simoy ng hangin.